Minsan happy minsan malungkot.

Isang fact kung bakit gusto ko na magbakasyon e yung dahil sa hindi na ko nagiging masaya pag nandito ko sa Maynila. May mga araw na ang saya saya ko tas kinabukasan magiging malungkot ako. May isang napakasimpleng bagay lang naman akong kinalulungkutan dito e. Pinakamalungkot na sakin yun. Ewan ko ba bat ang babaw ng naiisip kong dahilan nun tas kung bakit. Haaaay. Speechless. Ayoko na nga lang magsalita. Period

Everytime na papasok ako ng school, gusto ko na agad umuwi.

I miss high school days sobra. Nalulungkot ako ngayong college na ako kasi kailangan kong tanggapin ang realidad ng buhay. Darating at darating talaga sa punto na patuloy dapat tayong magmove-forward kahit labag sa kalooban. Kahit gusto mong bumalik sa pagiging bata at magenjoy lang sa paglalaro e hindi na pwede. Hanggang sa panaginip nalang natin makakamit yung ganoong bagay. Haay.

Hindi naman sa ayaw ko na pumasok pero tinatamad na kasi ako. Hindi na ko tulad ng dati nung high school na maeexcite ako pumasok. Ngayon pag gising ko sa umaga, iisipin ko nalang na kailangan pumasok at magseryoso sa pag-aaral dahil sa college, hindi na basta basta ang lahat ng bagay. I want to go home.. Sa Cavite mismo kung pwede lang sana mag-uwian kaso napakahectic ng schedule ko at hindi ko kakayanin ang pang araw-araw na malayuang commute. Kung may kapangyarihan lang sana ako magteleport. Sad life.

Facts #09 (Love)

 

Mas matangkad siya sakin. Pero cute naman diba? Lol. Push natin yan :3

I wanna be friends.

Kung mababasa mo man to Ate J, gusto ko lang malaman mo na sana wala na tayong samaan ng loob. We can be friends and forget about the past kahit na masalimuot talaga sakin yun pero ok na yun kasi masaya na naman tayo pareho. Sana hindi ka galit or whatever, kasi ako, lagi kitang napapanaginipan na ok na daw tayo tas naguusap na tayo then nagkakabonding pa kung minsan. I hope totoo nga e. Lol. Yun lang, just so you know. Kahit na hindi mo mabasa to, ok lang. Hihi.

Fact #12 (Love)

Pag nanunuod kami ng movie at napanuod ko na yung palabas, lagi ko talaga siyang kinukulit. Kahit na siya, hindi pa niya napapanuod. Ang saya kasing inaasar siya pero hindi siya nagagalit, nakukulitan lang. Siya lang naman kasi nagaganon ko e. Napakakomportable niya kasama, ang weird nga e kasi feeling ko pag iniwan niya ulit ako, wala nang magiging mas komportable pa na makakasama ko tulad niya.

..and everyday I always pray to God that He could atleast heal her. Because I miss her, I love her and we need her..

Watching Hunger Games: Catching Fire

May pasok pa bukas at 7am ang time ko. Tapos kukulangin ako sa tulog, lalaki na naman eyebags ko shet :( Inaantok na ko pero dapat tong panindigan at tapusin. Goodluck nalang bukas!

NSTP na mukhang hindi naman.

Hindi ko ramdam yung NSTP namin. Hindi siya masaya tulad ng inaasahan ko nung nasa high school palang ako tas iniisip ko na ang saya siguro nun kasi makakapunta sa iba’t ibang lugar para makapaglinis or makatulong. Kaso anyare?  Lagi nalang tuloy namin hinihiling na sana wala nalang NSTP. Ha-ha. K bad. Gusto ko umuwi ng maaga bukas kasi may dala kong laptop so kung wala, then so happy. Makakauwi agad. Yey!

Hello Tumblr (Again)

Naknang. Napagawa ako ng wala sa oras. Sabi kasi ni Prof. V, gumawa daw ng kahit anong blog sa kahit anong site din. Kaso mukhang ayoko nalang na Tumblr yung gamitin kasi naalala ko nga palang may comment-an na magaganap between classmates and prof. sa ipopost mo. Nako. Sige wordpress nalang mas maganda pa. Gagawin ko nalang ulit tong Online Diary. Lol.